Sa Huling Aralin Ng Florante At Laura, Naging Reyna Ba Ng Kahariang Albanya Si Laura?

Sa huling aralin ng Florante at Laura, naging reyna ba ng Kahariang Albanya si Laura?

  "Namuhay nang masaya, payapa, masagana, at makatarungan ang Albanya sa pamumuno ng kanilang hari at reynang sina Florante at Laura."

Naging reyna sa Kahariang Albanya si Laura sa huli nang siya ay nagpakasal kay Florante na naging hari ng kaharian.

Ang Pagwawakas (Saknong 393-399)

Sa saknong 393, pumunta si Menandro kasama ang hukbo upang hanapin si Adolfo ngunit nakita niya ang kaibigang si Florante kaya siyay natuwa at sumaya.

Sa saknong 394, ang mga hukbo ng Etolya ay puno ng ligaya matapos mapatay ni Flerida si Adolfo. Ang kanilang nawika ay "Biba si Floranteng Hari sa Albanya... Mabuhay, mabuhay ang Prinsesa Laura!"

Sa saknong 395, napabinyag bilang Kristiyano sina Aladin at Flerida at nagpakasal gayundin sina Florante at Laura.

Sa saknong 396, namatay si Sultan Ali-Adab kaya umuwi si Aladin sa Persiya kasama si Flerida. Si Duke Florante ay naakyat sa trono sa piling ni Laurang minamahal na liyag.

Sa saknong 397, ang kahariang Albanya ay bumangon mula sa tao at naging tuwa ang pighati sa pamamahala ng bagong hari na su Florante.

Sa saknong 398, bilang pasasalamat, tinaas nila ang kanilang mga kamay sa langit. Namahala ng mabuti ang bagong Haring Florante at Reynang Laura na may awa sa lahat.

Sa saknong 399, nagsasama silang lubhang mahinusay hanggang naabot ng bayan ang kapayapaan. Sinabi rin ni Francisco Balagtas na dapat kusang lumagay ang kaniyang musa sa yapak ni Selya at dahil niya ang mabigat na kalooban nito.

Comments

Popular posts from this blog

Ano Ang Pumapasok Sa Iyong Isipan Kapag Naririnig Ang Salitang Kabataaan

Bakit Hindi Dapat Magtakda Ng Iyong Kinabukasan Ang Iyong Nakaraan